The Coconut is not a Nut!

Spread the love

I found this geeky post again from my old blog. I want to relive it so I thought of sharing this again. 🙂
Also, to those who are not from the Philippines, sorry for the language because I’ve written it in Filipino.

The Coconut is not a nut
(posted on my old blog on July 12, 2010)

Last week, dahil sa isang kaibigan, biglaan akong naimbita na maging “resouce speaker” kuno para sa investigatory project ng mga grade 2 pupils sa isang school sa Quezon City. At dahil yung mismong Director na ng school ang nagpadala ng invitation sa akin, napilitan akong mag-file ng leave sa aking trabaho para lang mapaunlakan ang nasabing imbitasyon kahit na wala naman talaga akong masyadong alam tungkol sa mga halaman na ituturo ko maliban sa scientific name at family name nito at ilang mga bagay na napulot ko tungkol sa coconut nung nasa kolehiyo pa ako. At ang masuwerteng halaman na ipapakilala ko— tinatawag ng ilan na tree of life, ang Coconut. Kalakip ng invitation na pinadala sa akin ay ang mga tanong ng mga batang tuturuan ko tungkol sa coconut na dapat kong sagutin sa aking lecture. Hindi na rin bago sa akin ang pagbabahagi ng konti kong kaalaman sa iba pero nung makita ko na ang mga tanong ng mga bata, bigla naman daw akong nataranta kasi hindi ko din alam ang mga sagot.  Pressure din kasi kailangan mo talagang ibigay sa kanila ang pinakaprecise na sagot hangga’t maari dahil hindi mo sila pwedeng idisappoint lalo na sinabi sa invitation letter, “hope you can enlighten these children by answering these questions blah blah blah”. Oh, ha patay na talaga kelangan may enlightenment na mangyari pagkatapos ng lecture ko. Buti na lang may google at wikipedia na pwede kong pagkunan ng sagot sa mga tanong nila. Ilan sa mga tanong nila:

  • Bakit tumtubo sa coconut tree ang coconut?
  • Who made the first buko pie?
  • Why is the coconut juice in coconuts?
  • Who discovered the coconut?
  • Sinong unang nagtanim ng coconut tree?
  • Sinong unang tumikim ng buko?
  • Why is coconut hard to break?
  • Why do monkeys like coconut milk?
  • Why is coconut called coconut?
  • Bakit kung nasa puno green ang coconut, kung nasa baba brown na
  • Why is it white inside a coconut?
  • Can a coconut be gigantic?
  • How does a coconut feel like?
  • Can a coconut be stuck on a tree for 1000 years?
  • Can animals eat/drink coconuts?
  • Can you survive if you’re stranded on an island with only coconuts?

Kung tutuusin mababaw lang ang mga tanong pero syempre dahil gusto ko din naman silang may matutunan sa ikukuwento ko, nageffort pa rin ako para maghanap ng sagot sa mga tanong nila. At mas lalong mahirap para sa akin, na hindi naman talaga teacher, ay kung paano ipapaliwanag sa kanila ang mga bagay tungkol sa niyog sa pinakasimpleng paraan na hindi mawawala yung totoong sense ng information..

Gaya nang nabanggit ko kanina, may ilang bagay na akong alam tungkol sa coconut o niyog, dahil na rin sa ilang biology at botany subjects na kinuha ko nung high school at college days ko. Ilan sa mga ito ay:

  • Botanically, ang fruit ng coconut ay hindi “nut” but a ‘drupe’. Ang drupe, ayon sa aming Botany 1 ay type ng prutas na characterized by “any fruit with a soft, fleshy part (mesocarp) (bunot or coconut husk) covered by a skinlike outer layer (exocarp, or epicarp) (outer layer ng nyog) and surrounding an inner stone (endocarp) (bao) that contains the seed” vs. sa mga nuts na described as “An indehiscent, hard-shelled, one-loculated, one-seeded fruit, such as an acorn or hazelnut”. Para mas madali nyong maintidihan ano nga ba ang hitsura ng “true nut”, example nito ay yung bunga ng pili na iisa lang ang bahay at buto.
  • Ang coconut ay may scientifc name na Cocos nucifera, and belongs to family Arecaceae or Palm Family. Taliwas sa alam ng karamihan, mali din ang term na “coconut tree” kasi botanically speaking, hindi naman talaga classified as tree ang puno ng coconut dahil ito ay isang monocot at wala itong secondary growth na isa sa mga identifying characteristics ng mga trees.
  • Hindi pwedeng ma-stuck ang isang bunga ng niyog sa taas ng puno for 1000 years kasi part ng life cycle ng niyog, gaya ng ibang halaman, na kusang malalaglag ang mga bunga nito sa lupa once matured na. Ito ay tinatawag din na abscission sa science dahil na rin sa plant hormone naethylene.
  • Ang tubig sa loob ng coconut ay tinatawag din na liquid endocarp at kusang nawawala pag mature na ang prutas nito.
  • ang coconut ay isa sa mga pinakauseful na plant sa buong mundo dahil lahat ng parte nito ay useful. Mula sa isang laruan gawa sa dahon nito (ginagawa naming bola o kya torotot ito nung aking kabataan) hanggang sa isang mabisang gamot galing sa ugat nito ay pwedeng maging gamit ng niyog.

Sa aking pagreresearch bilang paghahanda sa pagpapanggap ko na isang “coconut expert” eto ang ilan sa mga natutunan ko tungkol sa coconut na hindi ko naman talaga alam dati:

  • Ang coconut ay mula sa salitang “cocos” na isang Portuguese term sa “grinning face”. Sa ibang literature ang “cocos” daw ay Portuguese term ng monkey. anuman ang tunay na meaning ng cocos, tinawag syang coconut dahil sa resemblance ng bao sa isang mukha ng tao o pwede na ding unggoy (pansinin ang tatlong butas sa bao na mukhang mata at bibig).
  • Ang origin ng coconut ay debatable pa rin hanggang ngaun. May nagsasabi na galing daw ito ng south asia, ang iba naman ay nagsasabi na meron na daw nito sa New Zealand base na din sa mga fossil records nila. Ang sigurado, mga Portuguese ang unang nakadiskubre ng prutas nito at sila ang dahilan bakit kumalat na ito sa buong mundo.
  • Ang coconut ay largest known seed. kailangan mong itanim ang buong prutas nito para tumubo.
  • Ang sikat na coconut palace ngaun (ang bahay na hinihiling na maging tirahan  ni Vice Pres.  Binay ) ay gawa sa materials na galing sa coconut kaya siya tinawag na coconut palace.

Dahil wala din akong ibang choice kundi panindigan ang pagpapanggap ko, tumuloy na ako sa school matapos ang kalahating araw na paghahanda ko ng presentation at ilan lang yan sa mga bagay na naibahagi ko sa mga bata. Mas lalo pa akong naloka nang pagpasok ko eh may isang batang sumigaw ng “oh, that’s the coconut expert!”. Di tulad ng inaasahan ko nung una, hindi ako nakaramdam ng kaba nang mag-umpisa na akong magkuwento sa mga bata ng ilang bagay na nalalaman ko tungkol sa coconut dahil nakakatuwa silang turuan. Nakakabilib ang pagiging bibo nila magtanong.Nag enjoy talaga akong sagutin ang tanong nila sa abot ng aking makakaya kahit na paulit-ulit lang ang tanong. Natuwa pa ako dahil pagkatapos nung lecture ko,  yung isang batang makulit habang nagtuturo ako ay lumapit sa akin at niyakap ako sabay sabi na “teacher, are we going to see you again?”.

Hindi talaga ko napagod kahit may kakulitan sila dahil ang sarap pala talaga sa feeling na maging isang teacher lalo na kung matatalinong bata ang tuturuan mo. Sulit talaga ang pag-absent ko sa trabaho para dun dahil bukod sa hindi lang sila ang natuto kasi pati ako ay may natutunan din sa paghahandang ginawa ko, masarap din  talaga sa feeling  magshare ng knowldge at tulungan ang mga bata na maenlighten sila sa mga tanong na tumatakbo sa murang isip nila. Isa yon sa kakaibang experience na naranasan ko sa aking semi-monotonous na work-life.

You may also like

Leave a Reply